Biyernes, Nobyembre 4, 2011

usok at bula sa harap ni bathala

     Magandang kaliwanagan sa inyong lahat, naway ang pagpapala at dakilang bendisyon ng ating amang kataas-taasan Diyos na makapangyarihan sa lahat ay sumaatin nawa. Siguro'y nagtataka kayo kung bakit ko ginamit ang salitaqng magandang kaliwanagan at hindi ang magandang umaga o magandang gabi, sapagkat sa panginoong Diyos ay walang umaga o gabi ang lahat ay pawang kaliwanagan.
        Sa paghahanap ng tao ng tunay na kaliwanagan at karunungan marami ang napupunta sa kadiliman, kadiliman nag- aanyong kaliwanagan na dooy ang gusto ng ating sarili at katawan ang nasusunod, na kay hirap takasan sapagkat ang tanikala ng kamangmangan at di pagkaunawa ang gumagapos sa ating katauhan.
       Marami ang naghahanap ng kaliwanagan at karunungan ng Diyos, ngunit hindi lahat ay nakararating  sa tunay na pagkaunawa sa kaliwanagan at karunungan ng Diyos, tanging sa mga taong nagnanasa at may marubdod na hangarin lubos na magbagong buhay at itakwil ang paggawa ng masama. Humingi tayo ng kapatawaran sa Panginoon Diyos sa ating mga kasalanan, pagkakamali at mga pagkukulang. Ang Panginoong Diyos ay nalulugod kung tayo'y humihingi ng kapatawaran sa kanya sapagkat ibinababa natin ang ating sarili sa kanyang harapan na siya naman marapat at matuwid, lagi tayong magpakababa sa kanyang harapan sapagkat siya ang nagbibigay buhay sa atin at sa lahat ng kanyang mga kinapal sa sandaigdigang ito na kanyang nilikha. 
 Hanggang dito na lamang hanggang sa susunod kong pagsulat. Purihin ang kataastaasang AMA Diyos na makapangyarihan sa lahat, Purihin ang kataastasang Ina Reyna ng langit at lupa, Purihin ang Panginoong Jesu - Cristo Diyos na taga pamagitan at tagapagligtas ng tao, Purihin ang Diyos Espirito santong mang- aaliw.

HalleluyaH              HalleluyaH                     HalleluyaH
                                                               
                                                                                                                                                        Amen.
                                                                                                                                          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento