Sabado, Nobyembre 5, 2011

usok at bula sa harap ni bathala: usok at bula sa harap ni bathala

Muli magandang kaliwanagan sa inyong lahat naway ang pagpapala at dakilang bendisyon ng amang kataas -taasan Diyos na makapangyarihan sa lahat ay sumaatin nawa .
Sa pag-aaral at pagtuklas ng kapangyarihan , karunungan at lakas ng Diyos , lagi sana tayong manalangin sa kanya na tayo`y gabayan niya at pagkalooban ng kaliwanagan ang ating mga puso at isipan sa pagtuklas ng mga bagay na espiritwal.
Maraming aklat sa panahon ngayon ang ating mababasa at makikita na tumutukoy sa pag aaral ng mga bagay na ito.

Narito po ang mga aklat:

1. DEUS MUNDOS 6. TESTAMENTO CUATRO DOTES
2.MISTERIO PRINCIPAL 7.AKLAT NG FARDACION
3.ENCANTO DE DEUS 8.AKLAT NG SAUP PREDO
4.BIYAHENG SANTA MARIA 9.AKLAT NG ZAVIDURIAHZ
5.TESTAMENTO DE CRIE LESON AT MARAMI PANG IBA...


Sa mga aklat na ito sinasaysay ang pinagmulan ng Diyos na punong pinagmulan , ang kanyang kapangyarihan , karunungan at lakas .
Ang paglikha niya ng mga espiritung kanyang kakatulungin , ang paglikha ng sandaig-digan , gayun din ang lahat ng kinapal na narito. Matutunghayan din dito ang Combate Espiritual sa langit , ang pagbibinyag sa Nunong Diyos ng Santisima Trinidad , Ang Unang Babae na kung tawagin ay Reyna ng langit at Lupa , na nagtataglay ng Labing dalawang bituin.
Matutunghayan din dito ang mga panalangin at mga Oracion na gamit sa pagpapagaling ng mga sakit karamdaman likha ng kulam at likha ng masasamang Espiritu , gayun din naman ang sakit na natural.
Sa mga makababasa ng mga aklat na ito ang tangi kong panalangin at hiling na sana`y ang kababaan at kabutihan ay lagi natin panghawakan .
Gamitin natin ang mga aklat na ito upang purihin , Luwalhatiin at pasalamatan natin ang DIYOS na makapangyarihan sa lahat. Gayun din naman gamitin natin ito upang makatulong sa ating kapwa tao.
`` Marami ang daan patungo sa kaliwanagan sa Amang kataas-taasan ngunit iilan lamang ang nakakarating sa tunay na kaliwanagan .

HalleluyaH , HalleluyaH , HalleluyaH ,


   AMEN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento