Sabado, Enero 21, 2012

`` PANALANGIN PAGPUPURI AT PAGLULUWALHATI SA KATAAS-TAASAN AMA DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT ``

                       O` PODEROSO DEUZ DEL SIGLO HISREJEM GIPHARUM DEI ET
                           CUM NIEM MEUS  NULES NUSLUM TRINITATIS AC DEUZ.
                       O Kataas-taasan AMA Diyos na makapangyarihan sa lahat , Diyos ng mga Diyos , Hari ng mga Hari , Panginoon ng mga Panginoon , Diyos na walang pinagmulan at Diyos na punong pinagmulan .
                       Ako si ________ ay nagpupuri , nagluluwalhati at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng pagpapala , pagkalinga at biyaya`t grasyang mahal na pinagkaloob mo po sa amin  Purihin ang iyong maluwalhating pangalan magpakailanman at mapuno ang lupa ng iyong maluwalhating pangalan siyanawa at siyanawa , ginawa ako ng iyong mga kamay at hinubog masdan mo ako nasa pintuan , akoy kumakatok at humuhingi ng lubos na kapatawaran sa lahat ng akin mga nagawang pagkakasala , pagkakamali at pagkukulang , ang lupa ay lipos ng iyong kagandahan loob , ingatan mo poako ng buong puso at pagkalooban mo po ako ng kapangyarihan , karunungan at lakas sapagkat ang iyong kapangyarihan , karunungan at lakas ay di malirip at maarok ng iyong abang niliksa , sa iyo nagbubuhat ang kapangyarihan at karunungan walang hanggan , tunay kang Diyos sa iyong pagka Diyos tulad ka ng yong nilikhang buntalang nagsasaboy ng di malirip na kaliwanagan at kasaganaan walang humpay , ikaw ang pinakamataas at walang kapantay ang yong kapangyarihan .
                         Ikaw ang aking Kapangyarihan  , Ikaw ang aking liwanag , ikaw ang aking lakas , huwag mo po akoong pababayaan , lagi mo po akong pangunahan at tulungan sa lahat ng oras at sandali ng akin buhay upang masunod ko ang iyong mga batas at mahal na kalooban hanggang sa huling sandali ng akin buhay .
                          Sa pangalan ng Panginoon Jesu-Kristong tagapamagitan at taga -pagligtas.                   Siyanawa at Siyanawa  AMEN .


                          `` PATREM VENTORUM `` DEUM CUM RELI QUIS DE MORUM LAUDAMUS OMNIBUS RELICTUM ESCIAMIT ESCIT DOMINU ET DOMINE CATIBUS ET PATER AC CAELUM ECCE EGO DEO PROMISIT COMPACTA MISELETUS MAEURUAM  COE LIBUS SEDERT IN VERTICE ET DEO ABTEROMIA SAM CAM APORTUSUM AC PATREM DEUM .  ``

                                     HALLELUYAH    HALLELUYAH   HALLELUYAH
                                                                                                                                                             AMEN .

Linggo, Enero 1, 2012

PANALANGIN AT PAGPUPURI SA KATAAS-TAASANG AMA DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT

                     O PEDOROSO DEUZ DEL SIGLO HISREJEM 
                            GIPHARUM DEI ET CUM NIEM MEUS NULLIS 
   NUSCUM TRINITATIS AC DEUZ
 Nagsalita ang Diyos na siya ang kataas-taasan maka pangyarihan sa lahat ....
               AKO ANG UNA AT ANG HULI, ALPHA AT OMEGA, ANG LAHAT  NA LUMABAS AY NAGMULA SA AKIN, AY AKO AT AKO RIN ANG YUMARI NG MGA TUNAY KONG ESPIRITO AKO ANG TUNAY NINYONG DEUS, NGUNIT DI NINYO NAKIKITA KAILANMAN AT DI NINYO MAKIKITA KAILANMAN, AT DI NINYO MAGAGAWANG LAHAT ANG INIISIP KO. ANG INIISIPKO NOON PANG UNA AT KAHIT NA SINO SA INYO, NA MAKAKAALAM NG TUNAY KONG PANGALAN AY SIYA KONG GAGAWIN UNA AT IKALAWA AT AKATLO NG AKIN TUNAY NA KATAWAN, AT BINIBINYAGAN KONG LUBOS NG "MATIBAY AT MATIGAS NA KAPANGYARIHAN" SA LAHAT NG BAGAY.
                  AKO ANG MATA NINYONG LAHAT, AT LAHAT AY AKING NAKIKITA KO. AKO ANG PAG-IBIG, BAIT, AWA AT ALA-ALA. AKO ANG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, AKO ANG HARI NG SIENCIA AT LAHAT NG SIENCIA. AKO AY NAGSIMULA NA NAGBUHAT SA WALA, AY HINDI NINYO MATATARUK ANG AKIN PINAGMULAN AT AKONG AKO LAMANG ANG NAKAKAALAM NG LIHIM NA YAN.

             Pagkatapos nitong salitang ito, ay ipinakilala niya ang kanyang kapangyarihan 
                                                     SISINISINITIN
             Sa salitang ito ng tinig ay nayanig ang buong dako ng Piedra Mental at parang sasabog ang
             lugar na iyon.
             Nagpakilala ang tinig na siyang mataas sa lahat at walang kapantay ang kanyang kapanyarihan
            ay isinunod pa ang kapanyarihan ito.
                                                    SESEHERESEJENEN
             Sa salitang ito ay biglang nagdilim ang santong lugar at ang kinaroroonan lamang ng tinig ang
             tanging nagliwanag, kulog, kidlat, hangin na lubhang malakas at walang katulad

                                                           
                                                                 "VIVA IN CULIS DEI ACLUBEI 
O MI AESETERNAM MASORESAM
AUCLUM HUM"

Sabado, Disyembre 10, 2011

ALA-ALA NG KABATAAN UKOL SA LIHIM NA KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHAN

             Kapag ako'y nag-iisa at nag-iisip maraming bagay, ala-ala at mga karanasan ang pumupuno sa aking isipan, ngunit may isang ala-ala o karanasan na pag naaala-ala ko ako'y napapaisip at nangingiti.
            Humigit kumulang na sa labing tatlong taon gulang ako noon, madalas ako sa ngupo ng matatandang manggagamot o mga albularyo o mga faith healer.
            Sa aking pagmamasid ang mga matatandang ito ay meron mga hanapbuhay, mayroon karpintero, kantero, pintor meron naman may sariling maliit na tindahan at meron din full time na manggagamot o faith healer. Sa akin pagtatanong marami sa kanila ay minana pa ang kanilang taglay na karunungan o kaalaman sa kanilang mga magulang ang iba nama'y mahilig talagang magsaliksik sa mga bagay na kalihiman o mga hiwaga.
            Mas madalas sa gabi sila nagkaka umpok-umpokan at kung araw na walang pasok sa trabaho mas mahaba at matagal ang kanilang pagsasama-sama, doo'y tinatalakay nila ang mga kwentong espiritual o mga kwentong nauukol sa mga bagay na lihim o hiwaga at kababalaghan, doon din sila nagbibigay ng kani-kanilang kaalaman sa mga bagay na kanilang pinag-uusapan, kung ang kanilang kasama ay nangangailangan ng tulong sa gawain espiritual o panggagamot o pagpapaalis ng mga sapi ng mga masamang espirito at kulam, bukas ang kanilang loob na tumulong, nagbibigay sila ng payo o kung kulang ang gamit ng kanilang kasama ito'y kanilang pinupunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagan panalangin at mga orasyon at kung kailangan pa ng karagdagan gamit tulad ng medalyon o mabisang bato, mutya o di-pangkaraniwang kahoy ipinagkakalooban nila ito, ganito ang nakita kong pagtutulungan nila sa isa't-isa, sabagay hindi naman imposible dahil sa tagal ng kanilang pagsasama-sama sila rin ay naging magkukumpare, kasama po ang aking tatay sa grupong ito.
            Sa madalas kong pagsama at pakikinig sa grupong ito marami akong nakitang kakaiba o kagulat gulat, ang iba sa kanila ay may taglay na taga-bulag, yun hindi siya nakikita ng kanyang pinatutungkulan, ito'y personal kong nasaksihan nang gumagamit ang isa sa kumpare ng tatay ko. Meron naman sa kabal, yun hindi tinatablan ng patalim o itak, nakita ko ng hasain at itaga sa braso ang itak sa laking gulat ko walang sugat o hiwa akong nakita. Meron naman gumagamit ng panhalina, aking nasaksihan ang isang napakagandang babae na naglalakad kinawayan lamang ito gamit ang orasyon panghalina ito'y lumapit na at nakipagkwentuhan na akala mo'y matagal ng magkakilala, kung hindi pa pinaalis ng taong gumamit ng panhalina ay hindi aalis, tinanong ko sa matanda kung kilala niya ang babaeng iyon, ang sabi niya ngayon ko lang nakita ang babaeng iyon. Marami pa akong nakita at nasaksihan kakaiba, marahil ay sadyang ipinakikita nila ito sa akin upang maging interesado ako na mag-aral ng mga bagay na ito.
                Lagi akong sumasama lalo na sa panggagamot ng mga sakit na gawa ng masasamang espirito at mga sakit na natural basta't may lakad ako'y sumasaa hindi naman ako maitaboy dahil ako ang taga bili ng merienda at sigarilyo gayundin naman taga timpla ng paborito nilang inumin ang kape.
                 Sa aking pagmamasid sa kanila, marami silang mga bisitang pumupunta mas madalas sa gabi sa paborito nilang umpukan sa bahay ng isa sa kanila. Hindi ko kilala ang mga ito meron mayaman na dala pa ang kanyang kotse, meron naman mukhang kagalang-galang at meron naman simple lang. Sinabi ng aking tatay ang mga iyon ay mga humihingi ng tulong, sabi niya'y meron doon pulitiko, negosyante, matandang artista at mga mahilig sa gamit, me mga naghihingi ng gamit para sa kabal dahil marami daw nagtatangka sa kanyang buhay, me nanghihingi ng gamit para umasenso o umunlad lalo ang kanilang negosyo- ang hinihinging gamit ay mutya ng sampaguita, ang sabi ng tatay kaya raw mutya ng sampaguita sapagkat ang sampaguita ay may taglay na bangong panhalina na maakit kang lapitan at amuyin, kaya kung ikaw ay negosyante ang produkto mo o paninda ay magiging lapitin at mahahalina silang bilhin iyon. Gayuindin naman ito ay natural na panhalina sa babae o lalaki man. Meron naman nanghihingi ng pandepensa at pang atake dahil marami daw siyang kaaway, at meron din  naman nanghihingi ng gamit na panhalina o pang gayuma.
                    Sa aking mga narinig nasaksihan at naranasan nagkaroon ako ng hangarin mag-aral ng mga karunungang ito.
                     Sa aking pagtatanong sa kanila sinabi nila na kung mag-aaral ka ng mga karunungan lihim kumuha ka o pumili ng magtuturo sa iyo yun malawak na ang kaalaman sa mga bagay na ito at mahaba na ang karanasan sa panggagamot o pagpapalayas ng masamang espiritu, gayundin naman sinabi rin ng isa sa kanila "parang boksing iyang" kailangan magpaturo ka doon sa kampeon o mananalo, huwag kang magpaturo doon sa boksingerong hindi naman napapalaban o kung mapalaban naman ay talo. Sabat naman ng isa "gayundin naman huwag kang kukuha ng guro na suwapang sa pera", lahat ng gagawin may katapat na pera ang sabi niya'y hindi masama ang tumanggap ng pera kung bukal naman sa kalooban ng nagbibigay at kung hindi ka naman naabutan magpasalamat karin sa Panginoon Diyos, huwag na huwag kang magpepresyo sa iyong pang gagamot. At mag-ingat karin sa mga guro na mahilig manantsing o manghipo ng mga babaing pasyente o nagpapagamot, at lalo higit sa lahat sa gurong mayayabang at mapagmataas na inaakala nila at iniisip na sila ang may hawak ng pinaka magaling na gamit, at laging naghahamon sa kapwa niya me gamit upang ipakita niya ang kanyang kayabangan gamit.
                      Sinabi  nila na ang una mong pag aralan ay ang mga panalangin sapagkat ito ang daan upang ikaw ay makipag-ugnay sa Panginoon Diyos. Apat na panalangin o poder ang dapat mong pag-aralan o gawin. Ang panalangin sa Amang kataastaasan Diyos na makapangyarihan sa lahat. Ang panalangin sa Diyos Ina Reyna ng langit at lupa . Ang panalangin sa Diyos Anak panginoon Jesu-Cristo at ang panalangin  sa Diyos Espirito Santo. Ang apat na panalangin ito ay napakalawak ang nasasakupan, sakop nito ang mga espiritung kanilang nilikha gayundin ang mga kapangyarihan at karunungan taglay ng mga ito, sakop din nito ang ibat-ibang karunungan tangan ng mga banal na espirito.
                      Kapag naaalala ko ang mga ginintuan panahon iyon siguro'y mga tatlumput walong taon na ang nakakalipas, naalala ko rin ang mga matatandang manggagamot na yaon.
                        Sa ngayon silang lahat ay namayapa na, gayundin ang aking tatay. Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa at naway tamasahin nila ang biyaya at pagpapala ng Diyos na lumikha.
                         Hanggang dito na lamang lubos na nagpapasalamat sa pangalan ng panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

HalleluyaH                                 HalleluyaH                                                   HalleluyaH

AMEN.

                                   
                                                                                    "sa susunod tatalakayin ko ang apat na panalangin"

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

`` ANG PUNDASYON AT SUSI ``

                              Sa mga nagsasaliksik at nag-aaral ng lihim na karunungan o kaalaman , kapanyarihan at kalooban ng Diyos , Dapat natin tandaan na batid ng panginoon diyos ang ating mga saloobin at mga layunin hindi natin maloloko ang panginoon Diyos , hindi kapa gumagawa o nag-iisip batid na niya ang patutunguhan ng inyong mga iniisip , Walang masama kung tayoy nag-aaral at nagsasaliksik ng mga lihim na kaalaman o mga panalangin at mga orasyon sa wikang latin , aramaic , Ingles   , Griyego o sa iba pang mga wika , Gusto nga ng panginoong Diyos na tayoy mag-aral at magsaliksik upang tayoy mahango sa ating mga kamangmangan.
                                Ang mga panalangin at mga orasyon ay nagsisilbing mga magagandang palamuti , gayundin naman ito`y nagsisilbi rin mga tukod o pan-alalay sa atin sa lalo pa natin ikakasiya at ika-gaganda ng ating mga pag-aaral at pagsasaliksik sa mga karunungan o kaalaman lihim.
                                Ngunit hindi ito ang tunay na pundasyon kung paano ang pagtuklas ng tunay na karunungan at kapanyarihan ng panginoon diyos. Ang Makilala mo siya ng buong puso buong kaluluwa at buong pag-iisip at magkaroon ka ng banal na pag- katakot sa kanya , ang ibig sabihin nito tayo ay lubos na magbagong buhay at maglinis ng atin mga puso`t isipan , itakwil ang pag-gawa ng masama .
                                Matuto tayong manalangin at makipag-ugnayan sa panginoon Diyos sa pamamagitan ng atin mga puso at isipan , buong kataimtiman at buong lakas ,  sa pamamagitan ng atin sariling wika o salita . Ang salita ay Diyos at ang Diyos ay salita .
                                 Nang nangangaral , nang-gagamot at nagpapakita ng hiwaga at mga dakilang tanda ang panginoon JESU-CRISTO ginagamit niya ang kanyang sariling wika ang Aramaic. Nagpapalayas ng Dimonyo sa wikang Aramaic at ang dimonyo ay Mabilis na umaalis , Sapagkat taglay niya ang kapangyarihan , Karunungan at lakas ng Kataas-taasan Ama . Siya at ang Ama ay iisa sapagkat ang kanyang ginagawa at sinasabi ay ang Kalooban ng Ama .
                                 Nang winika ni St. Benedict ang salitang ( latin ) na `` Vade retro Satana `` Si Satanas ay dali-daling lumisan , binanggit ni St. Benedict ang wikang latin na ito sapagkat ito ang kanyang wikang ginagamit , Pero bakit lumayas si Satanas ng marinig ang winika ni St. Benedict , dahil si St. Benedict ay sumusunod sa kalooban ng panginoon Diyos .
                                  Sinabi ng ating Panginoon Jesu-Cristo , kung ikaw ay sumusunod sa kalooban ng Diyos ikaw ay aking kapatid at ang kataas-taasan Diyos ay ang ating Ama . Kaya kung tayoy sumusunod sa kalooban ng Panginoon Diyos at mayroong tunay na pagkakilala at pagkatakot sa kanya katulad ni St. Benedict taglay natin ang Diyos sa atin sarili at kung taglay natin ang Diyos taglay din natin ang salita  Sapagkat ang Diyos ay ``salita`` at ang `` salita `` ay Diyos .
                                   Kung si St. Benedict   kaya ay naging `` pilipino `` at winika niya ang salitang Satanas Lumayas ka , sa wikang tagalog , Lumayas kaya si satanas ?  may kapanyarihan kaya ito o pwersa ?
                                  ``Ang mepakinig ay makinig ang me pan-unawa ay umuunawa ``.  Kung ating pakalilimiin at pakaiisipin mabuti ang pundasyon at susi ng mga susi ay ang `` matibay na pananampalataya at pag sunod sa kanyang mga batas at pinag-uutos at magkaroon ka ng banal na pagkatakot sa kanya .
                                     Wala po sa wikang ginagamit o sinasabi , na sa taong gumagawi .


                                HALLELUYAH            HALLELUYAH                  HALLELUYAH

  AMEN.
                                 

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

SINO AKO? SINO TAYO? SA HARAP NI BATHALA ...

                      Magandang kaliwanagan sa lahat, nawa'y ang kapangyarihan, karunungan at lakas ng Diyos Amang kataas- taasan ay sumaatin nawa.
                    Sino ka ba ng wala ka pa sa daigdig na ito? Nasaan ka ba ng wala ka pa sa daigdig na ito? Kailan ka ba nilikha ng wala ka pa sa daigdig na ito? Dapat natin saliksikin at pag- aralan mabuti ang ating mga sarili kung sino nga ba tayong talaga sa harap ng kataas- taasan Ama Diyos na makapangyarihan sa lahat.
                   Hindi lahat ay pinalad na malaman ang mga bagay na ito tanging doon lamang sa mga taong pinagkalooban at biniyayaan na malaman at mabatid ang mga bagay na ito, ito'y isang kalihiman na tanging ang Diyos lamang ang nakakabatid at nakakaalam at ang taong pinagkalooban.
                  Lagi tayong manalangin at humingi ng kapatawaran sa Panginoon Diyos sa lahat ng ating mga nagagawang mga pagkakasala, pagkakamali at pagkukulang, idalangin din natin ang mga namumuno sa atin bansa na pagkalooban sila ng kaliwanagan ng kanilang pag- iisip at kabutihan ng kanilang mga puso, upang ang pagpapala at kalinga ng Diyos na makapangyarihan sa lahat ay sumaatin, lagi natin tandaan na ang lahat ay nakukuha sa mataimtim na panalangin at pagsasakripisyo.
                  Ang maluwalhati kong pagbati, at pasasalamat. Mabuhay ang bansang Pilipinas ang lupa ng pagpapala at pagkalinga.

              HalleluyaH               HalleluyaH                       HalleluyaH
                   AMEN.

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

PANALANGIN AT PAG-GAWI NG NAAAYON SA KALOOBAN NG PANGINOON DIYOS

                       Magandang kaliwanagan sa inyong lahat, naway ang pagpapala at pagkalinga ay sumaatin nawa. Sa muli kong pagsulat nais ko sanang ibahagi sa inyo ang isang panalangin na akin ginaganap sa araw-araw. Ito ay nasulat sa wikang Ingles. Hindi po ito latin o tagalog. Huwag nyo pong isipin na komo ito'y hindi latin ay mahina o walang puersa, tandaan po sana natin na wala po sa ginagamit na wika kundi nasa pananampalataya ng tao sa Diyos na kanyang tinatawagan at sa pananalig mo sa panalangin na dinarasal mo kahima't itoy nasulat sa wikang Ingles, latin o tagalog man ang tinitignan dito ay ang pagpapahalaga, paggalang at pagkaunawa mo sa panalangin na iyong ginagamit. Napakahalaga at napakahiwaga kung paano napunta sa akin ang panalangin ito. Ang tanging masasabi ko nalang itoy kaloob sa akin ng Panginoong Diyos. Narito po ang panalangin .......
                 
                      " O ADORABLE LORD AND SAVIOR JESUS CHRIST LYING ON THE GALLOWS TRUE FOR OUR SIN, O HOLY CROSS OF JESUS, SEE ME IN MY THOUGHT. O HOLY CROSS OF CHRIST WARD OFF FROM ME ALL WEAPONS OF DANGER / O HOLY CROSS OF CHRIST PROTECT ME FROM MY ENEMIES / O HOLY CROSS WARD OFF FROM ME ALL DANGEROUS DEATH / GIVE ME ALWAYS LIFE / O CRUCIFIED JESUS OF NAZARETH HAVE MERCY ON ME. NOW AND FOREVER / IN THE HONOUR OF OUR LORD JESUS CHRIST / AND IN THE HONOUR OF HIS SACRED PASSION / AND IN THE HONOUR OF HOLY RESURRECTION / AND HIS GOD LIKE A ASCENSION / WHICH HE LIKE TO BRING ME RIGHT INTO HEAVEN / TRUE AS JESUS CHRIST WAS BORN ON CHRISTMAS DAY / AND THE THREE WISE KINGS BROUGHT THEIR OFFERING ON THE 13TH DAY / TRUE AS JESUS CHRIST WAS CRUCIFIED ON MOUNT CALVARY ON GOOD FRIDAY / TRUE THAT NICODEMUS AND JOSEPH WHO TOOK OUR LORD DOWN FROM THE CROSS AND BURIED HIM. AND TRUE AS HE ASCENDED INTO HEAVEN / SO THE HONOUR OF JESUS WILL KEEP ME FROM MY ENEMIES / VISIBLE AND INVISIBLE NOW AND FOREVER / O LORD JESUS CHRIST HAVE MERCY ON ME / O LORD JESUS CHRIST THROUGH THY OWN SUFFERING FOR TRULY THY SOUL WAS PARTING OUT FOR THIS SINFUL WORLD / GIVE GRACE THAT I MAY CARRY MY CROSS PATIENTLY WITHOUT DREAD AND FEAR / WHEN I SUPPER AND WITHOUT COMPLAINING AND THAT THROUGH THY SUFFERING I MAY ESCAPE ALL DANGER NOW AND FOREVER MORE / AMEN.

                   NOTE: This prayer was found in the tomb of our  Lord Jesus Christ in the year 803 and was sent by the Pope to emperor Charles on the eve of his departure to battle. And he sent it to St. Michael in France, whoever read or wears this prayer shall never die a sudden death. Be burn. drowned nor any poison have effect on him. He will never be a prisoner of war; nor be vanquished. When a woman labors, let her wear it on her right side and she will deliver safely and when the child is born. Pin this prayer on his right side he shall not be troubled with any misfortune, and be safely preserved of 82 accidents whoever carry this prayer with him, will never have any epileptic attacks. And if you see any one infit, place this prayer on its right side and he will have cured immediately and thanks God. Whoever writes this prayer for others will be "blessed by the lord." They who pray or place this prayer in any house will be safely guarded on thunder and lightning. But whoever laughs at it will suffer. Believe this for certain. It is as the Holy Evangelist had written it. Whoever prays this prayer everyday for himself shall have three days warning before his death by a holy sign.

                      Hanggang dito na lamang naway ang nilalaman ng panalanging ito ay tumimo sa ating mga puso at isipan at tanglawan tayo ng dakilang liwanag ng poong may kapal.
                     Muli ang aking pagbati at pasasalamat sa Panginoon Diyos na makapangyarihan sa lahat.

HalleluyaH                                 HalleluyaH                                             HalleluyaH

AMEN.

Martes, Nobyembre 8, 2011

Karunungan, Kapangyarihan at Kaloobn ng Diyos.

                  Muli ang taos puso kong pagbati ng magandang kaliwanagan, nawa'y ang pagpapala at pagkalinga ng Poon Maykapal ay sumaatin nawa.
                Salaminin nga natin ang ating mga sarili kung nakahanda nga tayong mag-aral ng kanyang mahal na kalooban, kapanyarihan at karunungan, sapagkat ang pag-aaral ng mga bagay na ito'y hindi biro. Ito'y malawak pa sa mga kalawakan at malalim pa sa mga pusod ng pinakamalalim na karagatan. Ang pagtuklas nga dito at pag-aaral ay isang "devotion" panhabang buhay na dapat mung sundin at panampalatayanan, dapat mung itakwil ang iyong sarili na gumawa ng mga bagay na masama o labag sa kalooban ng Panginoong Diyos. Hindi ito isang bagay na libangan o katuwaan lamang na kung ayaw mo na ay iyo ng iiwan o kalilimutan o masabi lang na meron kang alam o angat ka sa karamihan.
               Kaya nga salaminin nga natin ang ating mga sarili, kung tunay nga natin nais sumunod sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay ang pagkain ng "laman at pag-inom ng dugo " ng ating Panginoon Jesu-Cristo, ang ibig sabihin bilang halimbaqwa ng pagsunod sa kalooban ng AMA siya ay nagpakababa, nagpakasakit at nag-alay ng kanyang buhay o sarili sa ikaliligtas ng ating mga kaluluwa.
              Ang pag-aral, pagsasaliksik at pagtupad ng karunungan, kapangyarihan at kalooban ng Panginoon Diyos ay isang malalim na Devotion at pagkilala sa kanyang mahal na kalooban, hindi pwede rito ang pabago-bago ng isipan, palipat-lipat ng paniniwalaan at paputol-putol na pagsunod.
             Bilang paghapyaw sa akin mga pinagdaanan, noon ako'y nagsasaliksik at nag-aaral ng karunugan, kapanyarihan at kalooban ng Diyos marami akong nakilala at mga nakasalamuhang mga tao. Meron mangangaral, meron faith healer, albularyo,spiritista at paranormal expert at marami pang ibang katawagan sa panahon natin ngayon.
             Ang aking unang guro ay maraming kaalaman sa usapin pankabanalan o ang pagbabagong buhay ng tao tungo sa Diyos. Pinatutupad niya ng lubos ang mataimtim na pagdarasal ng Santo Rosario at trisahiyo bilaqng sandata ng kaligtasan. Sa aking muling paglusong sa malalim na parte ng dagat, nakasama ko naman ang isang Faith Healer o manggagamot, Ito ang nagsilbing akin pangalawang guro na nagturo sa akin ng mga karunungan lihim na dapat kong malaman at dapat gamitin. Natutunan ko rin sa kanya ang matibay na pananampalataya at pananalig sa iyong gamit o sa  Panginoong Diyos, sinabi niya na hindi sa dami ng mga aklat o ng karunungan masusukat ang lakas at puwersa ng isang manggagamot o Faith Healer kundi nasa pananampalataya mo sa iyong gamit " dalhin mong mabuti o maayos ang iyong gamit at dadalhin karin ng iyong gamit".
             Meron naman akong nakasama na napakaraming aklat ng karunungan isang baul na malaki, na sinasabi niya na mas marami mas magaling. Marami siyang mga gamit meron mga medalyon, bato mga mutya at marami pang iba, siya rin ay naniniwala na dapat din itatak o itato sa katawan ang ibang mga oracion upang magsilbing depensa sa tao pan atake sa kaaway na nakikita at d nakikita. Marami pa akong nakasama at nakadaup-palad na mga taong may kabal na hindi tinatablan ng bala o patalim. Mga taong magaling ang hawak na pantigalpo, na tititigan ka lamang ay madadama mo na ang kanyang puersa, at mga taong nag-aaral at tumutupad ng mga bagay na naaayon sa kalooban ng Panginoon Diyos.
            Sa pag-aaral natin sa mga bagay na ito o paglusong sa malalim na parte ng karagatan o ang tinatawag na pag-angat sa mas mataas na pagkaunawa. Tayo'y maging handa at magbantay, bantayan nga natin, ang ating mga sarili, baka tayo'y tumataas na at nagiging palalo.
            Sa ngayon ay patuloy parin ang aking pagsasaliksik, pag-aaral at pagtupad sa mga bagay na ito.
            Hanggang dito na lamang at lubos na nagpapasalamat sa dakilang lumikha at sa inyo.
Hanggang sa ating muling pagniniig sa Espiritu at katotohanan.


HalleluyaH,                    HalleluyaH,                  HalleluyaH,

AMEN.